On hiatus at dun sa JOJO

Random Rantings No Comments »

Ayan magpapaalam muna ako saglit sa aking blog.. Pasensya ka na at di na kita naasikaso.. pero hayaan mo babawi ako sayo kapag may oras na ako.. Para naman sa aking mga kalink-ex, wag kaung magalala at babalikan ko din kayo.. At special mention narin dun sa JOJO, magpakamature ka naman.. anlaki mo na para mag-asal bata.. kung iniisip mo na tinatamaan ako sa mga sinasabi mo, nagkakamali ka.. I know who I am.. and I will always be who I am.. paki ko ba sayo kung di mo ko trip makasundo.. kung di rin lang kita makakasundo, ehdi wag.. sino ka ba? Marami naman akong kaibigan.. and they can attest to what kind of person I am.. di ka naman kawalan sa buhay ko para pansinin ko pa yang mga immaturities mo.. PAPANSIN!

It has been a while eh?

Wala Lang Chronicles No Comments »

First of all, Xin Nian Kuai Le! Gong Xi Fa Cai! May this year of the rat give you prosperity and wisdom. I have been in hiatus for quite some time due to some uber busy career and schooling activities. Well ganun parin naman actually, wala pa rin naman akong maiblablog na matino kahit di naman ako busy. Kung hindi tungkol kay Ahnne, kay Deter. Kung di tungkol kay Deter, mga kapalpakan ko naman sa buhay. O diba stereotypical? Well anyways, for the past months (yung di ako nakakapagblog), naging maganda naman ang takbo ng aking career sa paghabi ng mga websayt. I have had big projects coming (sa wakas) so now I am just an inch away from buying my goal phone. Konting habi pa. Malapit na. Hmmm aber, ano pa ba ang pwede kong iblog? Malapit-lapit narin pla ang araw ng mga puso. At dalawa ang kahulugan noon para sa akin. Una ay dealine yon ng submission ng thesis namin which is doing good btw although aminado akong wala akong kontribyusyon kundi konsumisyon sa aming butihing former leader (kase si Chito na daw leader ngayon) na si Yami. Nalulungkot man ako kase parang ayaw nila akong tumulong dahil tingin nila wala talaga akong maitutulong (at mukhang tama nga ang kanilang hinala) bagamat gusto ko pa rin naman talagang makatulong dahil halos wala na akong mukhang maiharap kay Deter twing insultation este consultation namin. Buweno, ang pangalawang kahulugan naman ng balentayms day 2008 para sakin ay syempre yung mismong ginaganap sa araw na iyon. Wala pa akong date peste! May kinukulit ako pero di ko sigurado. Baka fully booked na daw cya. Ayos lang naman sa akin kung wala kase wala naman talaga akong focus sa mga seryosong lablayp sa ngayon pagkat ako ay abalang-abala sa aking mga raket at modus-operandi. At tsaka hello? Date lang naman yun! Basta ang importante eh nageenjoy ako sa mga pinag-gagagawa ko ngayon. Live life to the fullest ika nga nila. O cya cya cya, wala akong balak magpahaba ng post kahit na marami na akong utang sa blog na toh. Ciao muna aking mga masusugid na tagapagsubaybay (kung meron man?)! Hanggang sa muli!

Langyang Susan yan…

Random Rantings No Comments »

Si Susan na itatago nalang natin sa pangalang Deter, ay ang aming masugid na adviser sa aming thesis project. Ang tagpo: Marami na kaming naririnig na bali-balita sa kung anong klaseng adviser ba talaga itong si Deter. Sabi nila, ganito: makinig lang kayo kunyari sa mga advice nya pero wag niyong susundin. And nangyari: hmmm.. sinunod namin ang mga payo nya kase naman po napakakulit. Biruin mo, pinapalitadahan niya yung documentation namin ultimo sa mga pinakamaliliit na detalye. So ngayon ehdi proud na proud daw si Deter sa amin kase maganda raw yung documentation namin. Ang resulta nung defense na: PALPAK! And konclusyones churva ek ek: Sa dinamidami ng pinapagawa niyang mga documentaryo tungkol sa proyekto namin, di na namin naasikaso yung kung ano ba tlga ang dapat paghandaan pagdating ng defense. Buti sana kung pinuri yung napakakapal naming document duon sa defense pero hindi naman. Mali ang konsepto, hindi na napagisipang mabuti. Lecheng documentation yan. Ngayon magrurush kami para uliting lahat ng pinagpaguran namin sa buong sem na to. Wala na naman akong bakasyon bwiset! Btw: kaya pla Deter kase, sa isang quiz namin sa subject nya, may nagtanong kung ano daw yung ibig sabihin ng deter tapos may sumagot ng Deter Ocampo tapos nagalit sya sa di malamang kadahilanan.


Theme & Icons by N.Design Studio.
Entries RSS Comments RSS Log in