Bakit ngayon di ko na masabi?

Emotional Whatnots No Comments »

Dati-rati buong lakas ng loob kong nasabing mahal na mahal kita. Pero bakit ngayon bakit ayaw akong pagbigyan ng tadhana? May pinagkaiba ba yung noon sa ngayon? Oo siguro noon may bf ka. Pero ang ironic naman na kung kelan wala ka nang bf saka pa natotorpe tong puso ko? Bakit ganon? Sana masabi ko na, sana pagbigyan na ako ng panahon. Sana puro nalang sana… Manhid ka ba para hindi mo ito maramdaman kahit na hindi ko na sabihin? O baka kailangan ko munang sabihin para makasiguro ka? Mula pa noon hindi ka na nagsasalita pag tungkol sa ganito na ang pinaguusapan. O baka ako naman ang manhid para di ko maintindihan ang nararamdaman mo kahit na hindi mo na sabihin? Bakit sa ibang tao nagagawa mong umiyak para sa kanila? Bakit sakin ni malungkot man lang di mo magawa? Bakit sa ibang tao di ka natatakot umibig kahit na alam mong masasaktan ka lang? Samantaling sakin na alam mong liligaya ka eh patuloy kang umiiwas? May kulang ba sa sarili ko? Alam kong di naman ako perpektong tao, pero alam kong alam mo kung gaano ko ibibigay ang lahat para lamang sayo. May mawawala ba sayo kapag sinubukan natin? Kapag inibig mo ba ang isang hamak na tulad ko eh magagawa mo bang ipagmalaki ito sa harapan ng maraming tao? Bakit ba dito sa mga talata eh nagagawa kong sabihin ang lahat? Pero bakit pag kaharap na kita eh di ko na masabi?

Mahal pa rin kita! Oo mahal na mahal pa rin kita!

Emotional Whatnots No Comments »

Yung akala kong nabura na kita sa aking isipan, sa kaloob-looban lang pala ng aking damdamin ikaw ay pilit ko lamang itinatago. Ako ay bigo sapagkat hindi ko nadikatahan ang aking puso, sa aking isip ikaw ay aking itinakwil, ngunit sa aking damdamin ay may naiwang bagang dahan-dahang muli palang liliyab at sa aking pagkukunwari ay siyang susupil. Kamakailan ko lang nalamang wala na kayo ng taong siyang dahilan ng paghihintay kong labo-labo. At sa aking matagal na paghihintay, tila ay nagsawa na, nainip, napagod, lupaypay, hapo. Iniwan ko ang iyong piling, masakit, ngunit kailangan pigilan ang masidhing damdamin, isang kahibangang dapat pigilin. May ibang lumapit upang katokin ang iyong puso, magaling, tamang tama ang tiyempo, tila mapanukso, nakaka-akit, parang lamparang tumatawag sa isang munting gamu-gamo na sa bandang huli ay bigla nalang mapapaso. At nangyari nga! Sa bandang huli ay umiyak ka. Sa isang simbahang tahimik doon ka nagkubli. Ihinayag mo sa harap ng ating Amang lumikha ang hilakbot ng iyong pusong nabigo. Asan na ako? Wala, pagod pa rin sa mga iniwang nakaraan habang walang kamalay-malay na may dumungis sa iyong pusong dalisay. Kung sa bagay, kahit nga naman nandoon ako, wala rin namang akong magagawa sapagkat wala naman akong papel sa iyong puso. Noong akala kong masaya na ako dahil wala ka na, yaon pala ako ay nagkamali, ako ay nagtataka, parang may kulang, hindi marinig ang sigaw ng damdaming nagsusumamo. Pangalan mo ang tanging sinasambit. Ngunit ako ay nagkikibit-balikat sapagkat alam kong ito ay masakit. Ang mahalin ka ang siyang nais ipagpatuloy. Sa madugong pakikipagsapalaran sa pag-ibig ako ay nais pa ring lumangoy. Kahit pa ilang beses mong saktan ay ayos lang sa akin. Sanay na naman ako kase yan na ang palagi mong isinusukli mula noong ikaw ay aking mahalin. Isang tunay na pagkakataon ang hinihiling ko sa iyo. Pagbigyan mo na ang puso kong nagsusumamo. Malinis ang aking adhikain. Ang paglingkuran ka at mahalin, at hinding-hindi ang bolahin ka at lokohin. Sana naman kahit minsan man lamang, makita mo ako at mapansin. Hanggang ngayon ako ay nandirito parin. Taimtim na naghihintay. Di alintana ang pagod, hirap at sakit, nais ibigay ang lahat ng makakaya, para lamang sa puso mong dalisay. Martir na kung martir, pero talagang mas mas malakas ang bugso ng aking puso. Dinaig ang isipan, ilang beses mang diniktahan. Alang-alang sa iyo, at sa pagmamahal mong matagal ng nais makamtan!


Theme & Icons by N.Design Studio.
Entries RSS Comments RSS Log in