Hmmm may isa kaming kaibigang paalis ng bansa ngayon. Sa mahigit dalawang taong nakilala at nakasama namin siya sa buhay kolehiyo, masasabi naming naging malaking parte narin siya ng aming mga buhay-buhay. Si Andromeda Manaois, mabait (masungit, mataray, at sadista hehe), maganda, madalas maingay kausap, mahilig maghunting ng boylet haha, okey kashot (kainuman), magaling magbigay ng payo (ows di nga?), matalino (hmmm magulang lang siguro nyahaha), maputi (parang koreanang di mo maintindihan), habulin ng guys (marami kang utang?), nambabara ng instructor (yung obvious at talagang rinig na rinig), palaging hyper active, bibong bata, at marami pang ibang mga nakakabaliw na katangian, ay lilipad patungong Viva Espanya ngayon (darna?). Buweno iha, kung saang dako ka man ng mundo mapunta, lagi mong tandaang andito lang kame ha? At tsaka para anupa’t nag-IT tayo kung di rin lang tayo marunong gumamit ng Internet diba? At isa pa, may reunion naman tayo diba… Hmmm magka-alaman nalang after 5 years? Wag kang papatol sa mga may balahibo sa dibdib ha? Baka pag balik mo dito Marimar ka na? Ingat ka lagi ha? O siya siya sige na at baka maiyak ka pa kapag hinabaan ko pa to. Paalam! Hanggang sa muli ano?