Bwiset! Ganito kase ang nanyari: Alas-tres y media ng madaling araw, nagaabang ako ng taxi papunta sa ojt place ko. Nagkataon naman na yung isang (napakagandang) call center agent doon eh dun din pla nakatira sa may lugar namin. And since pareho lamang kami ng pupuntahan, niyaya niya kong makisabay nlang sa kanya (oo siya ang nagyaya!). Nakaformal attire kami nun kya mejo mababaw ang bulsa ko na siya namang kinalalagyan ng cellphone ko (Nokia 3660). Nang makasakay na kami ng taxi, dala ng konting tuwa ay di ko na namalayang dumulas na pala pababa ng bulsa ko ang cp ko. At pagbaba namin, makailang hakbang lamang ay saka ko lang nakapkap na wala na pla ang cellphone ko sa bulsa ko. Pagtingin ko, nakaalis na yung taxi. Tinawagan ko yung numero ko pero ayaw sagutin. Haaay.. ayun.. sayang.. siguro nga panahong ng bumili ng bago.. yung 3G hehehe.. Kasi naman eh.. kung anu-ano inaatupag hehe.. anyways, dahil doon ay baka wala muna akong maidagdag ng bagong mga litrato sa aking photos section.. isang malungkot na araw.. kapalit ng panandaliang kilig.. sayang!