Hmmm mula ng mawala ang phone ko, pinagiisipan ko rin kung anong ipapalit kong telepono doon. At ng ilabas ang iPhone kamakailan lang, naging interesante para sakin kung ano ba talaga ang ibubuga ng pinagpipilahang iPhone na yan. Aba akalain mo, kumpletos rekados! May 3G, 2 MPx Camera, SMS, iPod feature (malamang obviously kaya nga iPhone), at yung iba aba basahin niyo nalang sa mga ibang websayt kase di naman to review entry tungkol sa iPhone. Pero basically, lahat ng features ng phone ko dati andun. Pwera lang 3G kase via GPRS yung N3660 eh. Pero may mp3 player ako dun tsaka DivX player tsaka may camera din naman and such others. So ayun nakita ko na ang ipapalit ko sa aking nasirang (namatay or nawala whatever) telepono. Ang iPhone! Sa susunod na taon pa siya ilalabas dito sa Asia kaya siguradong pwedeng pagipunan tutal may part time job naman din ako tsaka ituturing ko nlang regalo ko sa sarili ko yun bagu ako gumradweyt ng kolehiyo! Hahaha!