Si Susan na itatago nalang natin sa pangalang Deter, ay ang aming masugid na adviser sa aming thesis project. Ang tagpo: Marami na kaming naririnig na bali-balita sa kung anong klaseng adviser ba talaga itong si Deter. Sabi nila, ganito: makinig lang kayo kunyari sa mga advice nya pero wag niyong susundin. And nangyari: hmmm.. sinunod namin ang mga payo nya kase naman po napakakulit. Biruin mo, pinapalitadahan niya yung documentation namin ultimo sa mga pinakamaliliit na detalye. So ngayon ehdi proud na proud daw si Deter sa amin kase maganda raw yung documentation namin. Ang resulta nung defense na: PALPAK! And konclusyones churva ek ek: Sa dinamidami ng pinapagawa niyang mga documentaryo tungkol sa proyekto namin, di na namin naasikaso yung kung ano ba tlga ang dapat paghandaan pagdating ng defense. Buti sana kung pinuri yung napakakapal naming document duon sa defense pero hindi naman. Mali ang konsepto, hindi na napagisipang mabuti. Lecheng documentation yan. Ngayon magrurush kami para uliting lahat ng pinagpaguran namin sa buong sem na to. Wala na naman akong bakasyon bwiset! Btw: kaya pla Deter kase, sa isang quiz namin sa subject nya, may nagtanong kung ano daw yung ibig sabihin ng deter tapos may sumagot ng Deter Ocampo tapos nagalit sya sa di malamang kadahilanan.