It has been a while eh?
Wala Lang Chronicles No Comments »First of all, Xin Nian Kuai Le! Gong Xi Fa Cai! May this year of the rat give you prosperity and wisdom. I have been in hiatus for quite some time due to some uber busy career and schooling activities. Well ganun parin naman actually, wala pa rin naman akong maiblablog na matino kahit di naman ako busy. Kung hindi tungkol kay Ahnne, kay Deter. Kung di tungkol kay Deter, mga kapalpakan ko naman sa buhay. O diba stereotypical? Well anyways, for the past months (yung di ako nakakapagblog), naging maganda naman ang takbo ng aking career sa paghabi ng mga websayt. I have had big projects coming (sa wakas) so now I am just an inch away from buying my goal phone. Konting habi pa. Malapit na. Hmmm aber, ano pa ba ang pwede kong iblog? Malapit-lapit narin pla ang araw ng mga puso. At dalawa ang kahulugan noon para sa akin. Una ay dealine yon ng submission ng thesis namin which is doing good btw although aminado akong wala akong kontribyusyon kundi konsumisyon sa aming butihing former leader (kase si Chito na daw leader ngayon) na si Yami. Nalulungkot man ako kase parang ayaw nila akong tumulong dahil tingin nila wala talaga akong maitutulong (at mukhang tama nga ang kanilang hinala) bagamat gusto ko pa rin naman talagang makatulong dahil halos wala na akong mukhang maiharap kay Deter twing insultation este consultation namin. Buweno, ang pangalawang kahulugan naman ng balentayms day 2008 para sakin ay syempre yung mismong ginaganap sa araw na iyon. Wala pa akong date peste! May kinukulit ako pero di ko sigurado. Baka fully booked na daw cya. Ayos lang naman sa akin kung wala kase wala naman talaga akong focus sa mga seryosong lablayp sa ngayon pagkat ako ay abalang-abala sa aking mga raket at modus-operandi. At tsaka hello? Date lang naman yun! Basta ang importante eh nageenjoy ako sa mga pinag-gagagawa ko ngayon. Live life to the fullest ika nga nila. O cya cya cya, wala akong balak magpahaba ng post kahit na marami na akong utang sa blog na toh. Ciao muna aking mga masusugid na tagapagsubaybay (kung meron man?)! Hanggang sa muli!