Bibili ako ng iPhone!

Random Rantings No Comments »

Hmmm mula ng mawala ang phone ko, pinagiisipan ko rin kung anong ipapalit kong telepono doon. At ng ilabas ang iPhone kamakailan lang, naging interesante para sakin kung ano ba talaga ang ibubuga ng pinagpipilahang iPhone na yan. Aba akalain mo, kumpletos rekados! May 3G, 2 MPx Camera, SMS, iPod feature (malamang obviously kaya nga iPhone), at yung iba aba basahin niyo nalang sa mga ibang websayt kase di naman to review entry tungkol sa iPhone. Pero basically, lahat ng features ng phone ko dati andun. Pwera lang 3G kase via GPRS yung N3660 eh. Pero may mp3 player ako dun tsaka DivX player tsaka may camera din naman and such others. So ayun nakita ko na ang ipapalit ko sa aking nasirang (namatay or nawala whatever) telepono. Ang iPhone! Sa susunod na taon pa siya ilalabas dito sa Asia kaya siguradong pwedeng pagipunan tutal may part time job naman din ako tsaka ituturing ko nlang regalo ko sa sarili ko yun bagu ako gumradweyt ng kolehiyo! Hahaha!

A thing about the past..

Emotional Whatnots No Comments »

Feel ko magkwento tungkol sa X ko ngayon kya here it goes: To start with, let me state the facts. Una, I had only loved one person in my college life. Pangalawa, I only had one girlfriend in my entire college life (at wala na kung balak sundan pa). Ikatlo, magkaibang tao yung involved sa dalawang facts na tinukoy ko. Unahin natin si minahal, hindi siya yung X ko kya kontian natin ang detalye. Hanggang ngayon mahal ko parin siya at ewan ko kung bakit kahit di nya ko pinapansin at alam kong wala akong pagasa sa kanya (siguro malamang ewan) pero mahal ko siyang talaga. Basta mahal ko parin xa ng sobra sobra. Masama man ang sobra pero anung magagawa ko? Binihag niya ang puso ko. At ilang beses ko bang kelangan ipangalandakan yon sa blog na toh (which kya siguro ako nagblog para lang ba ipangalandakan yun)? Okaye so on with the X. Kung mababasa nya tong blog na to, di ko alam kung masakit para sa kanya tong mga sasabihin ko kase ang alam ko masaya na sya sa bago niyang bf, which reminds me, pagkatapos naming mag-break (na actually ang balak ko is cool-off lang tlga to justify my heart feelings at that time about which is which and eventually I have chosen to be a jerk din lang naman pla) after a month meron na kagad siyang bagong bf (disappointed? slight. think of it nlang as masaya ka para sa kanya pero merong slight regret or panghihinayang na may paninisi sa sarili bakit? bakit? bakit?). Well weird kung iisipin pero here is a description closest to what I have felt nung mga times na yon: May mahal ka pero may gf kang iba na di mo mahal. Binreak mo yung gf mo kase ayaw mo na xang lokohin at masaktan pa. Kya pinalabas mo may problema ka kuno sa studies mo and whatsoever kya kelangan mong makipaghiwalay sa kanya. Ginusto mong magalit xia sayo kase you feel guilty na meron kang ibang minamahal and by that, you do not deserve to be with her as her bf. So tinago mo nlang sa kanya yung totoong dahilan and hoped that one day malaman niya rin ang lahat when the right time comes (through blog? wth?). So ayun, there goes my college love life. Loser I am, pero ganun tlga ang pagibig kung minsan. I just happened to be just one of those guys in the negative statistics of love. Magcommento kayo. I would really appreciate it. Positibo man or what, I have had my past already and there is nothing we can do about it except to rectify some of the things that are to come for the future and/or is concerned with the future. Xenxa na sa lahat lalo na sayo X. Madaya ako noh? Alam ko minahal mo ako (ows di nga? feeling lang ako siguro). Nakita ko yon, naramdaman. Salamat. Nagkamali ako, ikaw pa ang ginawa kong rebound sa pagibig na di ko nakamtan sa babaeng mahal ko parin hanggang sa ngayon. Pero sisihin man natin ako, di ko masisisi puso ko. PS: nung nkita ko yung testi nung new and current bf mo sa friendster, yung slight regret, siguro masasabi kong may pagibig sa emosyon na yon. Kya hanggang ngayon di kita inaadd sa friendster (pagkatapos kitang idelete) kase ayoko kong makita ulit yung testi na yon.

O cya cya cge busy na kung busy!

Random Rantings No Comments »

Ganito kase yan, yun nga nasabi ko na na nagthethesis na ko. Pero lately nagkaroon pa ako ng isang aberya, nakakuha ako ng part time job sa isang web development firm at ayun kinagat ko naman. Ang resulta, isang super hectic na schedule. Ok naman yung trabaho kahit na araw araw eh may deadline kase naman ayun free lunch tapos ok na ok yung mga workmates ko kase parang repapips lang kami sa loob. Ayan ha nagpaliwanag na ako! Wag na kayong magreklamo kung di man ako naging aktibo sa blogsphere lately (ni wala nga akong bertdey entry eh haha kung alam niyo kung kelan yun). O buweno adios mi amigos/amigas! Hanggang sa muli kung kelan sipagin at magkaoras..


Theme & Icons by N.Design Studio.
Entries RSS Comments RSS Log in